Read Ebook: Alamat ng Ilang-Ilang by Sevilla Jose N
Font size:
Background color:
Text color:
Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page
Ebook has 147 lines and 8647 words, and 3 pages
Ang paro't parito n~g simoy n~g hangin, nakapagdudulot n~g lamig at aliw datapwa't kung gayon ang iyong pag-guiliw, ay lubos katulad n~g isang pag-hamak at wala na akong hihint?y hintaying matapat sumintang hantun~gan n~g daing.
Lubos akong nasiyahan sa kataong iyaon, at n~g matapos ang mapan~glaw na pag-aawit ay pinapaglakbay ko ang isipan sa kalawakan n~g m~ga hiwaga, hinahalaw do?n sa tanang malikmat?, ang isang kagandahang mapag-uukulan n~g matimyas na tin~gig na aking n?paking?n.
Pagkalipas n~g ilang sandali, ay sumatitig ko na naman ang nagdidilim na "ikmuhan" at nanariw?ng muli ang sanhing ikinapatun~go ko roon, ang dati ring nais na matalos ang pinagbuhatan n~g paggamit at pakikinabang sa isang halamang sakdal han~galay, na gaya n~g "ikmo"; sa di kawasa ay lumapit sa akin at malugod na bumati ang isang matand?, na tila tunay na kakilala kasabay n~g malugod na anyayang magtuloy sa kalooban n~g kanilang bakuran.
Nang unang bugso, ay suma~gui sa aking loob ang isang malaking alinlan~gan; n~guni't dagling napawi at nanagumpay ang mapiling amuki na ako'y magtuloy.
Pagdating namin sa loob n~g halamanan ay dinatnang nakaluklok sa isang papag-papagan ang isang binibining n?pakahinh?n ang anyo, na marahil ay siyang pinan~galin~gan n~g mapanglaw na pag-aawit na aking kin?han~g?an.
Matalagh?y ang kabuuan n~g kanyang maamong mukh?; malamlam ang titig kayumanguing kaligatan ang kulay, mahayap ang ilong at nakabibihag ang maramot na n~giting nanasnaw sa kanyang guinumamelang labi.
Isang sulyap na panak?w at pagdaka'y binawi ang biglang tumudl? sa aking puso at n~g m~ga sandaling yaon ay kanyang binihag.
Tumalilis na biglang tinun~go ang halamanan pagkakita sa akin at pagkua'y pumitas n~g ilang dahong "ikmo."
Di naglao't bumalik sa aming kinaroroonan, muling lumuklok at mabihasang pinagpilas ang m~ga dahong taglay at pinirot na guinawang "hitso."
Di ko sinawaang panoorin ang mahayap na m~ga daliri at tunay kong kinahan~gaan, ang kainamang tumangap n~g panauhin, na, baga mang di lubhang kilala, ay pinagkaabalahang kawan~gis n~g isang lalong matalik na kaibigan; sa biglang sabi ang kaugaliang mag-alay n~g "hitso" ay kanyang tinupad; n~guni't hindi ako marunong n~guman~g?; at sa nais kong mapaunlakan ang kanyang pagkaka-ala-ala, ay kumuha ako n~g kanyang malugod na iniaalay, kasabay n~g isang maguiliw na usis? sa matand? na kung bakit n?tukl?s, na ang bun~ga, iyaong mapakla at walang saysay na bun~gang kahoy na di nagtamo n~g ano mang pamagat, at ang "ikmo" na lubhang mahanglay, ay kung mapalahok sa nakapapasong "apog" ay napag-ayaw, at ayon sa naguing hilig na kinaguisnan ay siyang naguing panalubong panauhin.
Nang una, ay inakal? kong ang pag-uusis? ay naaksay? at di ko batid na ang itutugon sa akin ay lubhang mapakinabang at mandi'y mapaniniwalaang iyaon n~g? marahil ang pinagbuhatan n~g "viciong" n~guman~g?.
Isang ganap na kas?ysayan ang kaniyang sinalit? na uulitin ko n~gayon ayon sa nalabi sa aking ala ala:
Bakit kaya siya pinasibol kung walang kapakinaban~gan?
Maraming pagsusumikap ang guinawa, upang huag n~g muling sumibol, datapua't isang halamang hindi maagad n~g maglilin?ng pagkapalibhasa'y walang pakinabang at isang himut?k na inulit n~g m~ga nahuhuli ang sa kanya'y iguinawad n~g m~ga nauna sa atin.
Isa pang halamang lubhang nanghahaguay na may masagananang bun~ga, ang hindi rin pakinaban~gan at siya namang pinag-uukyabitan n~g halamang "ikmo".
Ang lahat n~g nakilalang halamang bumubun~ga at nag-dudulot sa m~ga tao n~g ano mang pakinabang, ay nagtamo n~g pan~galawang pan~galang ? pinakasaguisag na pagkakakilanlan; datapwa't ang halamang "bun~ga" ay siyang napakatan~gi na hindi nagtamo n~g biyaya mabinyagan, at ang kanyang puno ay pinamagatan na lamang n~g "bun~ga"
Lubhang maraming salin-saling kaugalian ang yumaon--ang idinugtong n~g matanda--ang m~ga bagong sibul na batbat n~g katalinuhan, ay di nan~gasiyahang siya'y panoorin na lamang at gamiting palamuti sa m~ga kaparan~gan, hindi nayag na siya'y hindi mag?mit, at lahat n~g sikap ay guinugol upang maangkap?n n~g ikapakikinabang sa kaniya; n~guni't ang kanyang tingtin~ging puno ay hindi maagpang sa ano mang paggamitan dahil sa napakarupok, datapwa't isang kataon, ay isang tanghali umano na ang isang taong hindi pa nakasasapit sa m~ga lupalop na yaon at hindi pa nakakikilala sa dalawang halamang ating ibinubuhay , ay sinumpong n~g pagkadayukdok at walang malamang sulin~gan n~g katutuklasan n~g ipagpapatid gutom.
Tinam?an n~g kanyang malas ang puno n~g halamang hitik na hitik n~g mapupulang anaki'y hinog na bun~ga, at sa paniwalang makapagdudulot sa kanyang kagutuman n~g malinamnam na pagkain, ay dagling pumitas at linasa ang pinakalam?n; subali't tan~gi sa isang matigas at mapakl?ng nakapaglalaway, ay wal? siyang nalasap; bagama'y binayaan na sa kanyang bibig yamang lubhang nanunuyo ang kanyang lalamunan at iyao'y nakapananariw?.
Hindi niya sinasadya ang pagkakahalo halo n~g tatlong bagay na hindi kilala; n~gunit wari'y pinagtiyap ? itinuro sa kanya n~g pan~gan~gailan~gan ang isang n~gat?ing panglibang sa gutom.
Tinaglay niya hangang bayan ang tatlong bagay na kanyang n?tukl?s at ipinagparan~galan sa m~ga dinatnan.
--Aanhin mo iyan?--ang usis? n~g kanyang m~ga kasama sa bahay.
--Anong pakinabang ang maidudulot n~g tatlong bagay na iyan?
Bilang tugon ay naglahok at inialay na pinatikm?n sa m~ga kasangbahay.
Sa lahat n~g iyaon, at sa pan~gan~ga-nib kong ako'y kayamutan ay napaalam na, at nan~gakong muling babalik.
Samantalang binabagtas ko ang ikmuhan ay muli kong naulinig ang mapan~glaw na pag-aawit na bumihag sa aking puso.
Sino kaya ang pinag-uukulan niya n~g m~ga panambitang iyaon?
Siya kaya'y may katipang tumatakuil sa m~ga ipinangako?
Ito ang bumabagabag sa aking sarili nang papauwi na sa bahay at siyang umaanyayang muli siyang s?dyain; n~guni't lubos na nagpasakit ang mabisang panibugho sa kanyang pinag-uukulan at siyang sanhi n~g di ko na muling idinalaw.
Oh! sabay kong natuklas ang pag-ibig at ang HITSO.
Saan man ibaling yaring pag-iisip n?kikita'y luh? at m~ga pasakit kahit sa sariling buhay na tahimik gayon din sa Bayang pinakaiibig ay walang lumual sa kudyaping tin~gig liban na sa lungk?t at m~ga ligalig.
Sa Bayan ang malas kung aking itanaw ang nan~gakikita'y pawang kapan~glawan, magkabi-kabila'y ang pag-?irin~gan na inihahasik n~g buh?ng makamk?m at nan~gagnanais tanghali't igalang kahit na mahamak ang sariling Bayan.
Sa kabila noon ay bilang pamana na kanilang alay sa Bayan at Ina, ay ang pang-aap? at pag-alimura; ang gay?'y kung aking mapag ala-ala tinis n~g kudyapi ay n~g?n~gapa-n~gapa at ayaw magbig?y n~g lugod at say?.
At paghamak lamang, pagsumpa't pag-ayop daing n~g hinagp?s ang itinitib?k nalilimot tuloy ang ugaling bantog na mahinhi't wag?s n~g lahing Tagalog, dahil sa iilang asal na sumalot n~g sariling yaman hindi man inimp?k.
Ano kay? n~gayon ang aking g?gaw?n sa iyong napitang ako'y paawitin guinagan?p ko man n~g boong pag-guiliw ay ang lumuluwal na tinis ay daing at hindi pumulas ang mithi mong hiling... kasayaha'y nanaw sa aking damdamin.
Pagtamanan mo na ang tagh?y n~g puso kah?t nap?pigt? sa luhang tumulo, pagka't ang ligaya ay hindi makurong kusang magwawagui sa madlang siphayo, na nan~gin~gibabaw sa puring nag-laho, sa puring salant?ng, lugami at hapo.
Nakasunod kaya sa hin~gi mo't pita ang an?k na bus?ng sab?k sa ligaya? Hindi man nasiyahan sapagka't di kaya ang daliting n~gayon ang iyong ligaya ay lubos tangapin n~g boong pag sinta: "HIMIG NG PIGHATING" larawan ng dusa ...
Ang m~ga alamat kung minsan ay tunay na salat sa katotohanan; datapuwa't lubhang kailan~gang buhayin ang m~ga salinsaling balit? yamang ang karamihan n~g ating pinaniniwalaan ay badh? niyaon, at n~g m~ga pangyayari; kaya't ang sasalaysayin n~gayon ay tunay na hindi ko na malaman kung saan ko narin~gig ? kung sa aling kasaysayan ko nabasa bagamang sariwang sariwa sa aking ala-ala ang pagkakapangyayari.
Katanghalian d?w noon n~g buan n~g Marzo, mainit na lubha ang daloy n~g m~ga sinag n~g araw, kaya't ang kaalinsan~ganan, ay di magpatiwasay sa madl?, lalong lalo na doon sa m~ga pangkating pinag-uusig n~g m~ga batas, doon sa nan~gabubuhay sa pamamag-itan n~g pawis n~g iba at walang bilang himpilan kungdi ang madadawag at masukal na yun~gib sa kaparan~gan; doon sa lupalop na pan~gublihan man ay wala, at paubayang pinasasaksihan sa tumutunghay na lan~git ang tanang kabuhun~gan kanilang lagui nang ikinaaaliw.
Sa panig n~g sansinukob na pinangyarihan n~g buhay na ito, ay wala niyaong mayayabong na halamang karaniwang sumibol sa m~ga kabundukan, na nagkakandili sa tanang magnais na sa kanya'y man~ganlong, doo'y wala n~ga, iyaong malalabay na san~g? n~g nan~gag-lalakihang punong kahoy na naggagawad sa madl? n~g malalamig na lilim kung katanghalian, at tan~gi sa ilang halamang gumugubat na kawangki n~g palasan ay wala n~g iba pang sumisibol. Ang halamang ito'y mabulo ang pinakakatawan matatalim at nakasusugat ang kanyang m~ga dahon, at walang munti mang maituturing na pakinabang sa kany?; ang sino mang mapasagui, ay dumadanas n~g isang di magpatahimik na kakatih?n kawangki n~g tinatawag nating NALILIPA.
Umano'y sa m~ga kadawagang iya?n nan~gun~gubl? ang m~ga may malalaking sagutin sa pamahalaan, pagka't doo'y hindi nakasasapit ang lalong masigasig na kagawad. Apat kataong nagkais? n~g ugali, at nan~gasawing mamuhay sa pamamag-itan n~g panghaharang, ang kasalukuyang tumatalaktak sa matutulis at nakakapasong batong maliliit na nan~gag-sambulat sa m~ga landasin; ang mainit na simoy n~g katanghalian ay tumutupok sa kanilang m~ga no? at nagparamdam n~g malaking kauhawan; datapwa't ang kanugnog na yaon n~g m~ga lupalop na di sinasapit n~g may matahimik na kabuhayan, ay di sinibulan n~g tubig; doo'y walang m~ga bukal, walang batisan, at walang ano mang pampawing uhaw na matutuklas; kaya't ang pagn~gan~galit ay siyang pinagbubuntuhan, kaayaw n~g pakikiayon, yamang wala namang ibang magaw?.
Sa di kawasa'y nak?salubong sila n~g isang matandang lalaki na sa kanyang anyo, ay tila may isang malaking katan~gian at mandi'y umaanyayang siya'y pakagalan~gin, datapwa't ang sibul na marun~gis na budhing taglay n~g apat na tinutugaygayan natin, ay siyang nanaig, at inakalang pagliban~gan~g uruyin ang kagalang-galang na matand?.
Ang isa sa kan?l? ay siyang unang umaglahi.
--Matandang hukluban, saan ka paro-roon sa ganitong kainitan?--ang pang-unang tanong.
--Ang dugo nito ang ating inumin--ang saad n~g pan~galawa--Kasabay nang bunot n~g itak sa sukbitan na biglang iniyamb?.
--Antabayanan muna nating siya'y tumugon, bago ganapin ang nais--ang sal? n~g pan~gatl?.
--Magsalita ka--ang pakl? n~g pang-apat.
--Aking hinahanap--anang matanda--ang panig na aking tinutuklasan n~g pampawing uhaw.
Sa tuwing hapon--ang dugtong--kung sumasapit ang ikatlong oras ay pinagkakalooban ako n~g Makapangyarihan na mak?sims?m n~g pampawing uhaw.
--At saan ka naman kukuha n~g maiin?m sa kadawagang ito, na kinaigahan n~g tubig at kinaitan n~g kanyang balong?
--Tingnan natin at tila ito ang makapag-aalay n~g ating kailan~gang di matuklas--ang anas n~g isa sa kanyang kasama.
--Kung ang pagkakatiwala sa kanya'y ating ilalag?y ay matitir? tayo sa isang kabiguan--ang paan~g?l na tug?n.
Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page