Read Ebook: Ang Mestisa. Ikalawang Bahagi (Second Volume) by Valmonte Engracio L
Font size:
Background color:
Text color:
Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page
Ebook has 1249 lines and 36542 words, and 25 pages
At noon din ay may narinig naman silang kumakatok na tao sa pinto sa lupa.
At nang kanilang dunghali'y natunghan ang isang babaeng anyong alila na may bitbit sa kamay na isang magandang buslo n~g m~ga bulaklak. Ang mukha n~g babaeng iyon ay dating kilala ni Tirso, kaya't oras na makita'y dagli siyang nanaog na sumalubong. Ang m~ga pilyong panauhin naman ay di na nakapaghintay: nagpanakbuhan pang nan~gagsipanaog din, sa paglulunggating agad na matalos ang ibig; sabihin n~g gayong biyayang balot n~g hiwaga.
N~guni't ang babaeng nagabot ay di na nila nakita. At maliksing umalis oras na maisakamay ni Tirso ang isang liham na nasa munting sobre, saka ang buslong yaon n~g bulaklak na pinagkaguluhan n~g m~ga katoto n~g naturang makata.
--?Makatang mapalad!--ang bulalas n~g lahat, pagkamalas sa gayong handog na kapagkaraka'y sinapantaha nang padala n~g magandang si Teang.
At sa boong kapalagayang loob at malaking pananabik na tila may lakip pang lihim na pananaghili, ay pinakasiyasat ang boong kayarian n~g bagay na yaong likhang di sasala n~g m~ga kahan~gahan~gang kamay n~g isang tunay na alagad n~g arte.
--?Pagkagandaganda!--ang wika na namang namutawi sa bibig n~g tanan--?Singganda n~g puso n~g babaeng nagbigay!
At si Tirso, na pinaghaharian n~g ilang lihim na paghahaka, ay di makahuma.
?Talagang maganda nga't kalugodlugod ang handog na iyon! Isang munting pangnan na yari sa panay na bulaklak, m~ga saglitsagl?t na bulaklak n~g m~ga sariwa't nagbaban~guhang bioleta, pitimini, klabel, tsampaka, kampupot, ilangilang, rosas-de-pasion, alehandria, kamuning at kung anoano pang hiyas n~g m~ga halamanan sa Singgalong; na binagayan n~g man~gilann~gilang dahon n~g papwa, malba-rosa, at m~ga baging n~g kadena-de-amor; na walang tan~ging laman kundi isang kalapating singputi n~g gatas, na sa kanyang makinis na tuka'y taglay ang isang munting tarhetang may ginintuang titik.
Ang tarhetang ito'y pinagsambilatan n~g m~ga kaibigan ni Tirso, palibhasa ay hinuhulaang dito nahahabilin ang boong hiwaga n~g handog na yaon.
At sa isang daan n~g mata'y ganito ang nabasa n~g lahat:
Gayon na lamang ang pagkakain~gay n~g di magkamayaw na m~ga kaibigan ni Tirso sa harap n~g handog na yaong nakapananaghili. Mula sa silong hanggang sa bahay, ang panunukso'y siya na lamang inaatupag.
--?Sadyang kung sa taas n~g kapalara'y wala tayong ikaaabot kay Silveira!--ang wika n~g pandak.
--?Tatawagin pa ba namang "mapagwaging makata," kung hindi talagang karapatdapat sa ganyang palayaw!--ang agaw naman n~g tila higante sa taas at laki.
--?Mabuhay ang mapalad! ?Mabuhay ang mapagwagi!--ang katlo pa n~g nakasalamin.
--"?Mamatay!" at hindi "?mabuhay!" ang isisigaw ko, kapag ako'y hindi ipinakilala ni Silveira sa masintahing iyan na si Elsa Balboa, --isinabad pa rin n~g malakas tatawa.--?Ay Elsa! ... ?Ay, Balboa!...
--?Sino n~ga ba ang babaeng ito?
--?Walang iba kundi ang mestisang kaluluwa at buhay n~g m~ga sayawan dito't n~g alinmang malalaking piging at pagtatao!
Subali't ang m~ga patilanduya'y hindi humangga sa pagkabatid na si Elsa Balboa ang nagukol n~g magandang handog na iyon kay Tirso Silveira. Lalong nagdulot n~g malaking alin~gasn~gas na hindi matimpi ang pagkatalos na ang pagkamakata ni Tirso ay naglalayag pala sa dalawang bangka, naliligo sa dalawang batis ... Kahapo'y isang Dorotea Iris daw ang ipinakitunggaling kandidata sa isang pahayagan; n~gayo'y isang kaakitakit na mestisa naman ang may kalapati't bulaklak na iniaalay. ?Katan~gian n~g makatang labis na nakatawag sa pananaghili n~g m~ga lalaking may malilikot ding isip!
At si Tirso, na di naninibago sa gayong kilos at palagay n~g taga kamanunulat niya, ay gumamit noon n~g lubos na paglilihim. At sa tulong n~g kanyang maayos na pakikiagpang sa m~ga kaharap, ay nagawa niyang ibaling sa iba't ibang bagay ang kanilang salitaan, hanggang sa nang lisanin siya n~g m~ga pilyong yaong kung sa kilos lamang hahatula'y mawiwikang hindi makagagawa n~g anoman, ay di na napagukulan n~g kahi't isang kataga, ang sinoman kay Teang at sa mestisang kay Elsa.
Pagkapanaog n~g m~ga panauhi'y saka lamang inilabas na binasa ni Tirso ang kalatas na ibinigay na lihim sa kanya n~g alila n~g kaibigang mestisa. At ganito ang natunghayan:
TIRSO:
Ibig mo bang makatanggap ng ilang balitang mahalaga ukol sa iyong kasaysayan? Kung gayon, ay hinihintay kitang magpapaunlak na makisalo sa akin mamayang gabi,--yamang gabi rin lamang ito ng mga pagpupuyat,--at sa pagsasalo nati'y saka ko ibabalita sa iyo ang ilang bagay na totoong kanaisnais na iyong matalastas hangga't may panahon.
Pagkakai'y magpapasyal pa tayo sa Escolta, at manonood sandali ng sayawan sa Plaza Moraga, bago pagkatapos ay dadalo tayo sa Pandakan sa isang di karaniwang piging na ipinagaanyaya ng isang tagaroong matalik na kaibigan ng aking kapatid.
Kapag hindi ka dumating, ay ituring mong nabigo na naman ang isa sa mga ninanasa nitong "kapatid" mong walang itinatangi sa ubod ng kanyang puso kundi isa....
Naghihintay,
ELSA.
Habol--Tanggapin mo sa maydala nito ang isang "maralitang handog" ...--AKO RIN.
Isang kibit lamang n~g balikat ang ginawa ni Tirso pagkatalos sa laman n~g sulat, saka pan~giting nasabi ang ganitong m~ga kataga:
--?May katuwiran na n~ga kaya akong magturing sa sarili na mapalad na, dahil sa ganitong buhay na tinatawid ko?...
"?KAY GANDA MO, ELSA!"
Minarapat n~ga n~g mestisa na ang makatang sa palagay niya'y nagbabagong loob sa kanya ay siya niyang makasama sa pagsasadya sa Pandakan, upang sa gayon ay magkaroon siya n~g pagkakataon na mailipat sa kabatiran n~g tinukoy na makata ang balitang kanyang natanggap tungkol sa nangyari sa San Lazaro.
At, binubuko pa lamang sa isip ang ganitong balak ay malunodlunod na ang puso sa di masayod na kagalakan. Para na niyang natatanaw, kahi't malayolayo pa, ang mabuting magiging wakas n~g kanyang m~ga gagawin.
--Inaasahan kong hindi ipagwawalang bahala ni Tirso ang aking sulat,--ang naibulong sa sarili sa gitna n~g kanyang pagmumuni.--Kapag nabigo pa naman ako sa pagkakataong ito'y talaga na lamang na sa kasawian ako nauukol....
Nalalaman niya na sa gabing yaon na kanyang ipinagaanyaya ang isang pagsasalo, ang kapatid niya't hipag ay hindi daratnan ni Tirso sa bahay, sapagka't ayon sa gayakang pinagkasunduan, hapon pa n~g araw na iyo'y magpapauna na sa Pandakan ang magasawa upang dalhin ang ilang bagay na iaalay sa maypiging. Kung si Elsa ay maiiwan, ay sapagka't gayon ang kanyang pinakikunang hilin~gin sa kapatid at hipag, at di umano'y ayaw siyang tantanang hindi isabay sa pagparoon n~g ilang binibining masdaraan sa kanyang bahay sa gabing iyon. At ang gayo'y kanyang binalangkas, upang madulutan n~ga n~g kasiyahan ang m~ga mithi n~g kanyang kaluluwang lihi at isinilang sa biyaya n~g kaligayaha't tamis n~g buhay.
Hangga't hindi niya nakukuhang masarili ang paghahari sa puso't kalooban n~g makatang kinahihiban~gang labis n~g kanyang boong pagkababae, at hangga't nagugunita niyang may isang "mulalang taga lalawigan", na kinabubulagan n~g m~ga panin~gi't "tila" nagkakapan~galan sa pitak n~g dibdib n~g nabanggit na makata, sa pakiramdam n~g mestisa ay palusong na yata sa libin~gan ang tun~go n~g kanyang kabuhayang di pa gaanong nagnanawnaw n~g ligaya sa pakikihalubilo sa daigdigang ito. At yamang nalalaman niyang gayon, ay kautan~gan na naman niya ang gumawa n~g tanang marapat gawin, upang maiwasan ang bumabalang kapariwaraan.
"...At ang tao ay nalikha na may isip na kasama" ang narinig niya sa isang tula ni Tirso. At ang isip na iya'y nakay Elsa: kinakailan~gang gamitin niya sa lahat n~g bagay at sa lahat n~g pagkakataon. Nararamdaman niyang ang kanyang puso ay tinitibukan n~g walang kasingdubdob na pagibig sa makatang si Tirso; nahahabilin naman sa isip niya ang paglikha n~g tanang kaparaanang kailan~gan upang masunduan ang ikapagtatagumpay n~g pagibig na iyan. Ang tunay na katamisang idinudulot n~g pagibig ay di maaaring sayurin n~g kahi't sino, samantalang ang puso ay ipinasisikil sa makipot na galawang gawa n~g pagpapakunwari, n~g pagbabalobalo at n~g kung sabihi'y pakikibagay sa lakad n~g kaugalian. Ang hinhin, yumi, kahihiyaan ... ?ano ang m~ga katagang ito kundi m~ga patibong lamang na nililikha n~g Kapisanan upang mapagkasanhian n~g pagkaduhagi n~g m~ga kaloobang madaling malamuyot at n~g m~ga damdaming walang tatag sa pakikilaban sa habagat n~g buhay? Ang tunay na tamis n~g buhay ay wala sa parating pagpapakunwari, sa pagimpit na palagi sa m~ga dalisay na itinitibok n~g damdamin. Namamali iyang m~ga nagpapalagay na kabanalan n~g isang babae ang tuwina'y kikimikimi, hindi makapagpahayag n~g kanyang isinasaloob, ilas na parati sa bahagyang silay n~g mata n~g kapwa ... Ang nararapat ikakimi, ang nababagay ikahiya, ay wala kundi ang anomang baga'y at gawang nan~gan~gahulugan n~g pagkakasala. N~guni't ?pagkakasala baga ang pagsunod sa malalayang pitlag n~g pusong dumaramdam n~g paggiliw? Ang pagkakasala, ay ang pagsuway sa iniaatas n~g pusong iyan.
--?Nararapat nang mawakasan ang m~ga paghihirap kong ito!--ang nanggigitil na nawika, matapos paglimilimiin ang ganyang hakahakang sarilingsarili n~g kanyang pagkamestisa.
At, nang sumapit ang gabing idarating ni Tirso sa kanyang bahay, si Elsa ay kinahalataan kaagad n~g m~ga alila n~g isang kabalisahang hindi mailin~gid.
Kung ang mga ibon at maging halaman ay nagkakalaya sa pagiibigan, ang isang mestisa'y dapat ding magnawnaw ng mga biyaya ng Katalagahan.
Ang mestisa'y may pagirog na kaparis ng balana, at anak din ni Bathalang tumanggap ng isang mana; mana'y dapat na gamitin ng ayon sa pinipita ng likas na pagkatao at sariling kaluluwa.
Sa harap ng Batas ng Pagkakalikha. babae't lalaki ay pantaypantay nga; kung gayon, mestisa, di dapat lumuha sa piling ng ibang kapwa mo diwata.
Kapagkuwa'y siya namang haharapin ang malaki't malinaw na salamin, at dito'y waring ipagtatanong kung ano pa kayang ayos ang marapat niyang gawin sa kanyang maganda nang pus?d, kung ilan pang daan n~g espongha ang marapat niyang gamitin upang mawalan n~g balantan ang pulbos n~g kanyang mukha; at kung alin pa kayang kasuutan ang sukat niyang ipalamuti sa kanyang baling-kinitang pan~gan~gatawan upang maging kahalihalinang lalo ang kanyang anyo na ipasasalubong sa makatang kinahuhumalin~gan n~g kanyang pagibig.
Nahagisan n~g tin~gin ni Elsa ang isang alilang babae na patagong sumisilip sa pinto n~g kusina na wari'y nan~gin~gimbulo sa kanyang pagbikas, at kanyang tinanong:
--?Maganda na ba ako?
--Wala na pong maipipintas ang lalong pihikang makamamasid,--ang may lakip na n~giting itinugon n~g alila.
--?Kung ikaw ba'y lalaki ay mahahalina ka na sa akin?
--?Patay na lamang po ang hindi tablan n~g pagkahalina!
At ikinasiya n~g mestisa ang m~ga patunay na narinig sa alilang yaong babae ring paris niya.
Subali't gayon man, upang huwag yatang maging an~gap ang kanyang m~ga kilos, at nang mawalan na n~g sukat makasaksi sa kanyang pagbibigay panahon sa pagpapakaliklik sa pan~gan~garap n~g gising sa laot n~g m~ga hiwaga n~g pusong inaalihan n~g bulag at walang habas na pagsinta, ang ginawa'y inutusan ang dalawang alilang tan~ging kasama noon sa bahay, na bumili n~g kahi't anong bun~gang kahoy na maaaring magulasina, gaya n~g siko, mansanas o anoman.
--Kung dito po sa malapit sa ati'y walang mabibili niyan,--ipinasubaling tugon n~g m~ga inuutusan.
--Kahi't doon sa palengke'y sumaglit na kayo; at magtagaltagal ma'y makapaghihintay na ako.
Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page