bell notificationshomepageloginedit profileclubsdmBox

Read Ebook: Novena sa Maloualhating Amat Doctor at Ilao nang Santa Iglesia na si San Agustin by Serrano Juan

More about this book

Font size:

Background color:

Text color:

Add to tbrJar First Page Next Page

Ebook has 73 lines and 7501 words, and 2 pages

NOVENA

SA MALOUALHATING AMA,T, DOCTOR

AT ILAO NANG SANTA IGLESIA

NA SI

DATI NANG LIMBAG

SA UICANG CASTILA, AY TINAGALOG NANG

P. PREDICADOR

FR. JUAN SERRANO,

SA ORDEN NITO RING MABUNYI AT MARILAG NA AMA

GUADALUPE

Peque?a imp. del Asilo de hu?rfanos.

NOVENA

SA MALOUALHATING AMA,T, DOCTOR AT ILAO

NANG SANTA IGLESIA NA SI

Sa Amang ualang pinagmulan, sa Anac niyang bugtong, sa Esp?ritu Santong mangaalio, iisang Dios at tatlong Personas.

Sa camahal-mahalan at cataas-taasang misterio nang Trinidad na casantosanto-san nagcucusang nonoui, cun baga sa cusa, itong Novenas nang mapantas na Doctor at Ama nang santa Iglesia na si san Agust?ng na Ama cong liniliyag, sapagca cun sa Dios Ama inahihinguil ang capangyarihan, sa Anac ang carunun~gan at sa Esp?ritu Santo ang sinta; ang sinta, carunun~gan at capangyarihan, ay siyang sinag na ipinagbibigay liuanag sa sangdaigdigan nang arao nang santa Iglesiang si san Agust?n. Ang pinagcacaquilalanan nang calachan nang caniyang capangyariha,t, cabagsican, ay ang pagca inamin nang santa Iglesia ang lahat niyang aral tungcol sa gracia, tuloy siyang pinasasampalatayanan sa sangcacristianohan. Hayag naman ang caniyang carunun~gan at ang baquit siya,i, ?guila nang man~ga Doctor, ay lungmipad pa naman siyang nagpacataas-taas, na nangyari niyang siniyasat at inonaua ang cataastaasan at calihim-lihimang misterio nang Sant?sima Trinidad, nang mangyaring malipol ang lahat nang man~ga camaliang linalang nang man~ga erejes laban dito sa Misteriong ito.

Sa iyo n~ga, ?aba Trinidad Sant?sima! iniaalay at inihahayin nang totoong pananaguisuyu,t, pagpapacababa at tunay na pan~gan~gayupapa niring loob co itong Novenas, na baga man munti sa tin~gin, ay ang tun~go,i, calaquilaquihan. Cahimanauari ang man~ga loob nang man~ga tauo, ay man~ga sulong at magsipanibulos na pagdongdon~gang pan~gadying, nang macamtan nila ang lubhang maalam at macapanyarihang ampon at saclolo nang manin~gas na puso ni san Agust?n na pinaglaosan nang tunod, sampon nang man~ga cabanalan at graciang hinihin~gi dito sa Novenas na ito; siya cong nasa,t, pita, siya co rin namang iniamo-among idinaraing, idinadalan~gin at hihin~gi sa Dios Ama na macapangyarihang tunay, sa Dios Anac na carunun~gang lubos, at sa Esp?ritu Santong apoy na sintang tibobos, iisang Dios na totoo, na nabubuhay at naghahari magparating man saan. Siya naua.

BILI,T, TADHANA

SA PAGNONOVENAS CAY SAN AGUST?NG NA AMA NATIN.

Cacailan mang panahon at cacailan mang arao, ay sucat mul-an at gauin itong Novenas, ayon sa pagcauili ? pagcasalat nang isa,t, isa; n~guni ang lalong tapat, ay cun mul-an sa icadalauang puong arao nang bouang Agosto, at nang masadha,t, matapos sa icamaycatlong ualo; arao n~ga na ipinagpifiesta sa caniya nang santa Iglesia; at cun dili caya, ay sucat mul-an sa icamaycatlong pitong arao nang bouang Abril; at nang matapos sa icalimang arao nang Mayo, arao n~ga nang catacatacang pagbabalic niyang loob sa Dios.

NOVENA

SA MALOUALHATING AMA,T, DOCTOR AT ILAO NANG SANTA IGLESIA NA SI

PANALA?GIN SA ARAO ARAO.

Sa harapan mong camahal-mahalan, Pan~ginoong macapangyayari sa lahat, iisa sa pagca Dios at tatlo sa pagca Personas; ay ipinagpapatirapa co yaring caabaan co at ang hiling co,t, nasa, ay ang balang nang panimdimin, gaui,t, uicain co dito sa pagnonovenas na ito,i, paraparang maoui,t, mahinguil sa pagpupuri,t, pagdaran~gal sa Iyo. At sapagca naquiquilala co,t, natatalastas ang pagcababa, pagcamura,t, pagcaualang halaga nang man~ga gaua co, ang tica co,t, nasa ay ipaquisama,t, ilangcap sa man~ga ualang hangang carapatan at Pasiong camahal-mahalan nang aquing Pang~inoong Jesucristo, at nang mahugasan nang caniyang mahal na dugo ang aquing caloloua, luminis at mauala ang dilang libag nang casalanan at man~ga pitang masasama. Inilalangcap co nama,t, pinipintacasi ang man~ga carampatan nang calin~gas-lin~gas na Virgeng si Guinoong santa Mar?a, at nang calahat-lahatang ?ngeles at santos; at ang bucod cong pinipintacasi ay ang Ama cong liniliyag na si san Agust?n, at ang ampon niya,t, saclolo ang ninanasa co,t, hinahan~gad dito sa pagnonovenas na ito. At yayamang icao, Santo,t, Ama cong minamahal, ay naguing arao na nagpaunaua at nagpaliuanag sa boong sang mundo nang calalim-lalimang misterio nang Sant?sima Trinidad doon sa labing limang guinaua mong libro; at ang puso mo,i, naguing carurucan nang Trinidad na casanto-santosan, ayon sa ipinapahayag nang angel cay san Sigisberto, ay saan di aamini,t, ipagcacaloob ang anomang iyong dalan~ginin. Caya n~ga yata idalan~gin mo aco sa Pan~ginoong Dios nang tauad sa acquing man~ga casalanan, man~ga arao at tulong na ipagpepenitencia co,t, ipagdurusa nang tapat sa man~ga calilohang co; at ang bucod co pang hinihin~gi dito sa pagnonovenas na ito; at ang idinaraing co pang isa sa iyo, Ama cong iguinagalang, ay ang yayang icao noong nabubuhay pa dini sa ibabao nang lupa, ay naguing tagapagtangol at tagapagsangalang sa pananampalataya, at ang caniya pang santa Iglesia, ay ipinagbilin at ipinagcatiuala sa iyo nang caniya ring Esposo na si Jesucristo, ay ipatuloy mo rin n~gayong na sa Lan~git ca na ang dati mong ampon, at pagpilitan mong hin~gin sa Pan~ginoong Dios na palataguin at palaguiin sa boong sangmundo ang totoong pananampalataya, ang magcasundong totoo ang lahat na man~ga haring cristiano, at ang matuto pa silang magutos at magpasunod sa sangcacristianohan nang dilang ipagpupuri,t, ipagdaran~gal sa Pan~ginoong Dios na nabubuhay at naghahari sa Lan~git magparating man saan. Siya naua.

ICALAUANG PANALA?GIN

SA UNANG ARAO.

Dios at Pan~ginoon cong macapangyayari sa lahat, na sa carunun~gan mong ualang hangan ay pinapaguing liuanag mo ang cariliman, noong baliquin mo ang ualang casinglalim na bait at loob nang aquing Amang si san Agust?n, at pinapaguing ilao mo nang pananampalataya, at arao na maliuanag nang santa Iglesia, na magsasaysay at magpaunaua sa boong sangmundo nang man~ga Misterio mong mataas, at parang diamante cun mutyang mahal, ay liniloc mo,t, pinalambot nang man~ga luha nang Ina cong si santa M?nica, at pinili,t, hinirang na magcalat at magpahayag nang iyong casanto-santosang n~galan, ay aco,i, nagaamo-amo sa iyo, Dios co, na pacundan~gan sa caniyang man~ga carapatan, ay aco,i, pagcalooban mo nang liuanag na icatuto cong malis at lumayo sa casalanan, at icagagaling nang dila cong gagauin; at pacundan~gan naman sa pagal niya,t, pagod sa pagsasangalang sa pananampalataya, ay pagcatibayin mo ang aquing loob, sampon nang man~ga loob nang lahat na man~ga capoua co tauo sa totoong pananampalataya. At sa iyo naman, Ama cong liniliyag, ang hinihin~gi co, ay pacundan~gan sa catacataca mong pagbabalic loob sa Pan~ginoon Dios, ay idalan~gin mo aco sa caniya nitong aquing idinaraing; at ang hinihin~gi co pa naman dito sa pagnonovenas na ito, ay inaasahan co ring cacamtan, pacundan~gan sa ampon at man~ga carapatan mo, nang maran~gal at mabantog ang caalaman nang Dios sa aquing magparating man saan. Siya naua.

ICALAUANG PANALA?GIN

SA ICALAUANG ARAO.

?Aba liniliyag cong Amang si san Agust?n! yayang nagnin~gas ang iyong puso na parang arao, na hindi napupugnao, at hiualay man sa catauan, ay nagbibigay pagcatotoo at ipinaquiquita nang moli,t, moling paglulucso ang alab at nin~gas nang sinta sa Dios, na namahay sa iyong dibdib, at icao rin ang nagpahayag at nagcompisal nang pagca icao ay nasugatan nang palasong sinta; aco,i, nagaamo-amo sa iyo, Ama cong mahal, na alang-alang dito sa camahal-mahalang alab, ay dalan~ginin mo sa Pan~ginoon Dios, ang aco,i, siga,t, sunoguin nang quidlat nang sinta sa caniya, at nang cun masan~gag at luminis ang aquing dibdib, ang Dios na lamang ang ouia,t, patun~guhan nang dilang pita,t, nasa nang loob co; at gayon din namang aco,i, nagaamo-amo sa iyo na idalan~gin mo rin sa caniya itong aquing hinihin~gi sa pagnonovenas na ito, cun macacaayon at mararapat sa panininta sa Dios, at nang cun matularan co ang malinis mong sinta dito sa buhay na ito, ay maguing dapat acong masama at maramay sa iyong magnin~gas niyong sintang mapalad na inaasahan nang aquing caloloua, na hindi matatapos magparating man saan. Siya naua.

ICALAUANG PANALA?GIN

SA ICATLONG ARAO.

?Aba Pan~ginoon at Dios na mapagcalin~ga! na nagcaloob sa aquing Amang si san Agust?n nang maningning at masinag na carunun~gan, palibhasa,i, arao nang santa Iglesia, na nacapagpapanao nang dilim nang man~ga eregias, naguing maestro nang man~ga Doctores, paraluman nang man~ga cristiano, at nang sila,i, matuto,t, houag masinsay sa daan nang pananampalataya; at naguing patnugot, na cahalimbaua niyong columnang alapaap at apoy na natnugot sa man~ga campon mong bayan sa una, at itinuturo sila sa lupang pan~gaco mo sa canila, at nacasisira sa man~ga matitigas na loob na dumurouahagui,t, ongmuusig sa canila. Ay ang idinaraing co sa iyo, Pan~ginoo,t, Dios co, ay ang pacundan~gan sa pagpipilit niyang magpaliuanag nang loob nang man~ga tauong nagcacamali,t, nasisinsay, ay pagcalooban mo aco nang liuanag na icaalinsunod co sa mahal mong calooban, at icalalayo co,t, icaiilag sa cariliman nang man~ga camalia,t, casamaan. At icao naman Salom?n nang man~ga cristiano, calarahin mo aco sa Pan~ginoon Dios, at caniyang ipagcaloob sa aquin, at tuloy pa namang pacamtan sa aquin itong aquing hinihin~gi sa iyo dito sa pagnonovenas na ito, at nang cun paratihin cang purihin nang aquing caloloua, ay tumouid ang man~ga hacbang nang aquing buhay, hangan di sumapit at mahanganan sa caguinhauahang ualang hangan. Siya naua.

ICALAUANG PANALA?GIN

SA ICAPAT NA ARAO

?Aba cabababaang loob na Jes?s! Na baquit icao ay manin~gas at maliuanag pa sa arao, ay tiquis cang nagpacaonti, at ipinaglin~gid mo ang ningning at sinag nang iyong carunun~ga,t, camahalan sa alapaap na marupoc nang aming catauohan, at nagcaloob ca sa aquing Amang san Agust?n nang malacas na loob na ipinagpaualang, halaga,t, ihinamac nang dilang puri at dan~gal dito sa ibabao nang lupa; at tulad sa iyo, at nagdamit nang mababa at murang damit ermita?o, binago,t, binalic ang man~ga dati niyang camalian, at isinulat na ipinahayag sa boong sangmundo ang caniyang man~ga casalanan nang totoong caguilaguilalas na capacumbabaan nang loob, na di pinan~gahasang tularan nang sino man. Diyata, Dios at Pan~ginoong co, aco,i, nagaamo-amo sa iyo,t, dumaraing na iyong casihan, sidla,t, hulugan ang aquing caloloua nang totoong capacumbabaan, at nang maiubos cong icompisal ang lahat na man~ga casalana,t, camalian co, at nang paualang halaga,t, hamaquin ang dilang capurihan dito sa buhay na ito, at houag acong may ibang pagnasa,t, pitahin, cundi ang hamaqui,t, ayopin dahilan sa pagcaibig sa iyo. At sa iyo naman, Santo,t, Pantas na Doctor, dumaraying din aco na idalan~gin mo aco sa Pan~ginoong Dios nitong capacumbabaang loob, sampon nang hinihin~gi co sa iyo dito sa pagnonovenas na ito, at nang cun mahouaran co ang cababaan mong loob, ang Dios na nagpaparan~gal at nagpapala sa mababang loob, ay pagpalain niya acong papagcamtin nang corona sa caloualhatian sa Lan~git. Siya naua.

ICALAUANG PANALA?GIN

SA ICALIMANG ARAO.

?Aba malubay at catiis-tiisang Jes?s! na nagcaloob sa Ama cong san Agust?n, nang manin~gas na nasa,t, ibig sa cagalin~gan nang man~ga caloloua; na parang arao na masicat, ay dili isamang lumamlam at nagcolimlim ang caniyang ningning at sinag sa pagpapaliuanag sa man~ga tauo nang caniyang pan~gan~garal; at nagdalita na ualang saua nang madlang saquit at, carouahaguinan sa man~ga eregeng nagbubudhi sa caniya nang camatayan; at bagcus sa malaqui niyang pagnanasang maguing m?rtir, ay dili n~ga isa man nanghinauang magtiis, at ang dinorongdong niyang uiniuica, ay ganito: Pan~ginoong co, aniya, pagcalooban mo aco nang icapagtiis, at dagdagan mo pa,t, ololan ang saquit at hirap. Caya n~ga Pan~ginoong co, pacundan~gan sa di masaysay niyang pagtitiis, ay pagcalooban mo aco nang icapagtitiis co nang hirap, at hologan mo aco nang manin~gas na nasang maghirap dahilan sa pananamlataya. At yamang iniadya mo ang caibigibigan mong Doctor sa maraming pan~ganib, nang maguing calasag nang sangcacristianohan, aco,i, nagaamo-amo sa iyo, na ipagadya mo naman aco sa casalanan at sa tanang caauay co, naquiquita ma,t, di man naquiquita. At sa iyo naman, Ama cong iniibig na san Agust?n, ay dumaraing aco na idalan~gin mo aco nito rin sa Pan~ginoon Dios, sampon nang hinihin~gi co dito sa pagnonovenas cong ito, at nang tulad sa iyong dalita ay matiis co,t, maralita, bayad at dusa sa man~ga casalanan co, ang tanang cahirapan dini sa buhay na malait, hangan di macasapit sa tiuasay na doon~gan sa Lan~git. Siya naua.

ICALAUANG PANALA?GIN

SA ICAANIM NA ARAO.

?Aba Dios at Pan~ginoong co! Na pinagpala mo ang caloloua nang Ama cong san Agust?n, sa pinacalan~git nang iyong santa Iglesia, at pinarating mo sa cataas-taasang pagninilay, na ga nauaualang loob at natitilihan sa man~ga cababalaghan mong Misterio, at nagcamit pang nanood dini sa buhay na yari nang Trinidad na casanto-santosan, at naguing dapat numamnam nang dugong camahal-mahalan sa taguiliran nang aming Pan~ginoong Jesucristo, at nang calinalinamnamang gatas nang casanto-santosang Virgen Mar?a, at pinagitanan nilang mag-Ina na uala siyang matotohang lin~gonin nang malaquing pagcatoua, at ungmalab na sungmilacbo ang apoy nang caniyang sinta cay Jes?s at cay Mar?a: ay panin~gasin mo naman, Pan~ginoon co, ang dibdib co sa pagcauili cay Jes?s at sa caniyang casanto-santosang Ina. At sa iyo nainan, Arao na maalab, aco,i, ungmaamo-amo, na pacundan~gan sa catouaan mong quinamtan dito sa man~ga caloob sa iyong ito, ay idalan~gin mo aco sa Pan~ginoon Dios nang graciang hinin~gi co dito sa novenas na ito, at idalan~gin mo pa naman aco nang caliuanagan nang loob, na icatututo cong magnilay nang man~ga camahalan niya,t, caloob, at nang cun maboong manatili ang aquing loob dito sa pagninilay na ito, ay houag acong may hanapi,t, han~garin, cundi ang igaganti cong catampatan, at nang purihin ang caniyang camahalan magpasaualang hangan. Siya naua.

ICALAUANG PANALA?GIN

SA ICAPITONG ARAO.

?Ay Jes?s! Dios na totoo,t, Maestro nang tanang sarisaring cabanalan, na inilagay mo,t, inihalal dini sa ibabao nang lupa ang aquing Amang san Agust?n, dili nang pamahayan nang lahat na man~ga cabanalan lamang, cun di nang alaga,t, diliguin ay palagoin pa naman niya ang man~ga cabanalan sa halamanan nang santa Iglesia, at magacay siya,t, manogot sa pitong puo,t, limang Religi?n, na umaalinsunod sa liuanag nang caniyang casanto-santosang Regla at aral nang totoong pagpapacaruc-ha, pamimintuho at pag-iin~gat sa cahalayan; ang idinaraing co sa iyo, Pan~ginoong co, ay ang itanim mo sa caloloua co ang lahat nang cabanalan, at nang cun aco,i, maguing duc-hang totoo sa loob, at mapagin~gatang co ang dilang cahalayan, at masunod co ang man~ga utos mo, ay maguing dapat pamahayan ang puso co nang Sant?sima Trinidad. At sa iyo, casanto-santosang Patriarca, dumaraing naman aco, at dumadalan~gin na aco,i, anaquin mo, di man aco dapat, at ipagcaloob mo sa aquin ang hinihin~gi co dito sa novenas na ito, sampon nang icao rin ang parating maguing panogot, paraluman at Maestro co, at nang sa tulong nang iyong liuanag tontonin nang caloloua co, na houag ding masinsay, ang itinuro mong daang cabulusan sa Lan~git. Siya naua.

ICALAUANG PANALA?GIN

SA ICAUALONG ARAO.

?Aba Pan~ginoon at mananacop sa amin! na nagbigay cang pasunod sa Ama cong san Agust?n, nang tularan niya ang manin~gas mong pagcaibig sa man~ga caloloua, at caya inibig niyang minahiguit ang mamatay siya, houag lamang niyang maquitang hinahamac ang man~ga tantong dapat igalang na man~ga casangcapan sa Simbahan, at houag mapanood nang maibiguin niyang mata ang libuti,t, pag-itanan nang caganiran nang man~ga ereges ang man~ga obejas niyang caual, at pinagcalooban mo rin siyang maglin~gid nang caniyang liuanag, at mamatay nang magpanibagong mabuhay sa lalong mabuting lan~git, at pinagpala mo siya sa caloualhatian nang Lan~git, at isiniping mo sa man~ga Ap?stoles, ayon sa napahayag sa isang mahal at santong Obispo, at doo,i, nagbibigay siyang dilag sa ibang man~ga Santos, ayon sa naquita ni santa Gertrudis: Ay pagcalooban mo naman aco, Pan~ginoong co, nang totoong pagcaibig sa man~ga capoua co tauo, at ipagcaloob mo namang manatili sa tunay at totoong pananampalataya, at sa boong pagsunod sa santa Iglesiang Ina namin, itong caharian at ang sangcacristianohang bayan. At icao naman, mahal cong Amang san Agust?n, yayang ang uica ni santa Gertrudis, ay naquita ca niyang dumaralan~gin sa casanto-santosang Trinidad, na papagnin~gasi,t, paalabin nang totoong sinta sa Dios ang man~ga puso nang man~ga tauong mauilihin sa iyo; aco,i, nagaamo-amo sa iyo nang totoong capacumbabaan, na pacamtan mo sa aquin yaon alab na yaon, sampon nitong hinihin~gi co sa iyo dito sa novenas na ito, at nang parang pagninin~gas nang puso mo, ay magnin~gas naman ang puso co sa harapan nang Sant?sima Trinidad magparating man saan. Siya naua.

ICALAUANG PANALA?GIN

SA CATAPUSANG ARAO.

?Aba casanto-santosang Doctor, Arao ca nang sangcacristianohan! dili lamang sa aral mo, liuanag at nin~gas, cun di sa man~ga tulong mo,t, saclolo, na ipinagcacalin~ga mo sa man~ga mauiuilihin sa iyo, at pinagcacalooban mo sila nang buhay at cagalin~gan sa caloloua,t, catauan, at iniin~gatan mo,t, ini-aadya ang puri at ari nang balang nang napaaua at napasasacolo sa iyo, at n~gayong mamatay ca na, ay ipinararati mo rin ang iyong calin~ga, caya n~ga yaong iyong tubig na bumubucal sa pinagbaonan sa iyo, ay nacapagbibigay mata sa man~ga bulag, lacas sa man~ga mahihina, caaliua,t, cagalin~gan sa balang nang macainom noon, at doon naman sa Toledong bayan, ay napatanghal ca,t, napaquitang nugao nang balang, at iniaboy mong inilulunod sa ilog; aco,i, dungmaraing sa iyo, na gamotin mo ang aquing man~ga saquit at pagalin~gin mo ang aquing caloloua, at iadya mo itong boong caharian sa man~ga dinaralitang casaquitan, sa man~ga lindol, man~ga pagcacagutom, at sa iba pang man~ga sarisaring cahirapan, tuloy ipagcaloob mo naman sa aquin ang hinihin~gi co sa iyo dito sa novenas na ito, yayang sa boo cong loob ay nauiuili aco sa iyo. At icao naman, Dios at Pan~ginoong co, tatlo sapagca Personas at sapagca Dios ay iisa, na tantong Cang dapat tac-han, dili sa iyong man~ga camahalan lamang cundi sa man~ga cababalaghan pa namang gaua nang iyong man~ga Santos, ipagcaloob mo rin sa aquin ang hinihin~gi co dito sa pagnonovenas na ito, maguing pagpapahayag mo baga nang iyong aua,t, caalaman, maguing pagpapaquita mo naman nang iyong pagcaibig sa casanto-santosan mong Doctor, at nang cun amponin aco nang gayong camahal na pintacasi,t, maestro, ay mapanoto ang caloloua co sa tiuasay na raan nang iyong mahal na aral, at sa pagpanao dito sa buhay na malait, ay maguing dapat casihan nang iyong mahal na gracia, nang panoorin at paquinaban~gan Ca sa caloualhatian sa Lan~git magpasaualang hangan. Siya naua.

Add to tbrJar First Page Next Page

 

Back to top