Read Ebook: Novena sa Maloualhating Amat Doctor at Ilao nang Santa Iglesia na si San Agustin by Serrano Juan
Font size:
Background color:
Text color:
Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page
Ebook has 73 lines and 7501 words, and 2 pages
?Aba casanto-santosang Doctor, Arao ca nang sangcacristianohan! dili lamang sa aral mo, liuanag at nin~gas, cun di sa man~ga tulong mo,t, saclolo, na ipinagcacalin~ga mo sa man~ga mauiuilihin sa iyo, at pinagcacalooban mo sila nang buhay at cagalin~gan sa caloloua,t, catauan, at iniin~gatan mo,t, ini-aadya ang puri at ari nang balang nang napaaua at napasasacolo sa iyo, at n~gayong mamatay ca na, ay ipinararati mo rin ang iyong calin~ga, caya n~ga yaong iyong tubig na bumubucal sa pinagbaonan sa iyo, ay nacapagbibigay mata sa man~ga bulag, lacas sa man~ga mahihina, caaliua,t, cagalin~gan sa balang nang macainom noon, at doon naman sa Toledong bayan, ay napatanghal ca,t, napaquitang nugao nang balang, at iniaboy mong inilulunod sa ilog; aco,i, dungmaraing sa iyo, na gamotin mo ang aquing man~ga saquit at pagalin~gin mo ang aquing caloloua, at iadya mo itong boong caharian sa man~ga dinaralitang casaquitan, sa man~ga lindol, man~ga pagcacagutom, at sa iba pang man~ga sarisaring cahirapan, tuloy ipagcaloob mo naman sa aquin ang hinihin~gi co sa iyo dito sa novenas na ito, yayang sa boo cong loob ay nauiuili aco sa iyo. At icao naman, Dios at Pan~ginoong co, tatlo sapagca Personas at sapagca Dios ay iisa, na tantong Cang dapat tac-han, dili sa iyong man~ga camahalan lamang cundi sa man~ga cababalaghan pa namang gaua nang iyong man~ga Santos, ipagcaloob mo rin sa aquin ang hinihin~gi co dito sa pagnonovenas na ito, maguing pagpapahayag mo baga nang iyong aua,t, caalaman, maguing pagpapaquita mo naman nang iyong pagcaibig sa casanto-santosan mong Doctor, at nang cun amponin aco nang gayong camahal na pintacasi,t, maestro, ay mapanoto ang caloloua co sa tiuasay na raan nang iyong mahal na aral, at sa pagpanao dito sa buhay na malait, ay maguing dapat casihan nang iyong mahal na gracia, nang panoorin at paquinaban~gan Ca sa caloualhatian sa Lan~git magpasaualang hangan. Siya naua.
ISA PANG PANALA?GIN
SA CATAPUSANG ARAO.
?Aba balon nang carunun~gan! maestro nang Teolog?a, ilao nang man~ga man~ga-n~garal, Doctor nang man~ga Doctor haligui nang santa Iglesia, calasag nang pananampalatayang cristiano, tabac sa man~ga croges. ?Aba Agust?ng bulaclac nang man~ga matatalas na bait, at tauong inaralan nang Dios! na cun ihalimbaua ca sa man~ga Santos, icao ay casanto-santosan, at cun sa man~ga marurunong, carunungdunun~gan ca. Pacundan~gan doon sa graciang matibay at mapilit na ipinagcaloob sa iyo nang Pan~ginoong Dios, na tungmaos at nanaimtim sa puso mo na pinacalinislinis, at pinaui ang dilang caibigang lupang quinauiuilihan mo, at pinaliuanag ang iyong bait na pinaalis at pinapanao ang man~ga camaliang iquinalalabo, at minulat ang iyong man~ga mata nang mapanood mo,t, malasmasin yaong camahal-mahalang liuanag, at nang pagpacatulinan mong haboli,t, alinsunurin ang caban~gohan nang man~ga bagay sa Lan~git: aco,i, nagaamo-amo sa iyo, Ama co, at dungmaralan~gin na igauad mo sa aquin ang iyong camay, nang aco,i, macaahon dito sa man~ga casamaang quinabalonan co, at macapagbalic loob na totoo sa Dios co, at macapagsisi,t, macapagdusa nang tapat sa man~ga casalanan co.
Pacundan~gan doon sa catamisan at biyayang calinalinamnaman na ipinamuti at ipinayaman nang Pan~ginoong Dios sa iyong caloloua, at pinagcalooban nang madlang catouaan, at guinilio nang maraming pagdalao niya sa iyong loob, na ga naaaninag at naquiquiniquita sa man~ga gaua mo: aco,i, nagaamo-amo sa iyo, Ama cong casanto-santosan, na idalan~gin mo aco sa Pan~ginoong Dios nang graciang icauiuili,t, icalalambot nang puso co,t, icatututo cong manalan~gin, at icaaalam co pa,t, icaquiquilala, na cun sino aco at cun sino siya, at ang pagca dapat paualang halaga ang lahat nang balang na, liban sa Dios.
Pacundan~gan sa catacatacang pagcahusay, pagcacaayo,t, pagcariquitdiquit nang tanang man~ga cabanalan na ipinamuti sa iyo nang Pan~ginoong Dios, at alang-alang doon sa mahal na banaag na inihulog nang Pan~ginoong Dios sa iyong caloloua, at nang ihalal cang maestro,t, ama sa gayong caraming Religi?n sa caniyang santa Iglesia, aco,i, dungmaraing sa iyo, mapalad na santo cong Ama, na idalan~gin mo aco sa ating Pan~ginoong Dios nang graciang icatutupad at icaaalinsunod co sa man~ga ipinagpasunod mo, ihin~gi mo naman ang man~ga mahal na Religi?n na pinagpupunuan mo, na ang sinusunod baga,t, pinipintuho nila,i, ang Regla mong quinatha, sampon nang iba pang calahat-lahatan, ay paraparang maquinabang din sila nang man~ga biyaya,t, graciang ipinagcaloob sa iyo nang Pan~ginoong Dios, at nang maisulat mo yaong Regla.
Alang-alang doon sa carunun~gan mong lalong lalo sa carunun~gang tauo, na ipinag paliuanag nang Pan~ginoong Dios sa iyong calalim-lalimang bait, at binungcal ang man~ga cayamanan sa santong Sulat, at ipinaunaua ang man~ga lihim at matataas na misterio nang santong Pananampalataya natin, sampon nang man~ga lalong malalalim at marilim sa mahal na Teolog?a, at nang sa iyo parang bucal na namamarating malinao at malalim ay magmulang umagos at umanod ang man~ga ilog nang totoo,t, tiuasay na aral sa Lan~git na idirilig at ipagpapalago sa man~ga halaman nang santa Iglesia. Aco,i, nagaamo-amo sa iyo mabunying Doctor, na nacaliuanag sa boong sangmundo, na idalan~gin mo aco sa Pan~ginoon Dios na pagcalooban aco nang loob na mababa at mauilihin sa aral na itinuro mo,t, itinuro nang Ina nati,t, maestrang santa Iglesia, apost?lica, romana. At yayang inihalal ca nang Pan~ginoong Dios na haligui at catibayan nang santa Iglesia, at tabac nang man~ga ereges na dito mo mamacailang pinaquipaglabanan, at sa toui touina,i, dinaig pinapan~gayupapa pinasuco mo sila. Tingni, santong Ama, at cun gaano ang paghihirap at pagcacasaquit n~gayon nito ring santa Iglesia, at ang daming halimao sa infierno na dumurouahagui at gumugubat sa caniya, ay magpatirapa ca sa camahal-mahalang harapan nang casanto-santosang Trinidad, at pagaamo-amoin mong dain~gan, na ipagsangalang at iadya ang caniyang man~ga campon na ovejas dini sa man~ga ganid na halimao, ituro,t, ipanuto sa catouid-touiran at cabulusang daan nang aral nang santo Evangelio, nang dumating na maloualhati diyan sa caguinha-guinhauaha,t, lubhang mapalad na buhay, na iyong quinadoroona,t, pinaquiquinaban~gan. Siya naua.
NA PAGPUPURI SA MABUYING AMANG
Sa sinta,i, seraf?ng tunay Querubing sa carunun~gan.
Pananaghoy ualang humpay niyong pusong nahahambal nang Ina mo nang mamasdan, casiraan mong nacamtan, pagamin mo,t, pagtataman sa lihis at maling aral.
Dios ay nang paglingcoran nagtumago ca sa ilang, doong mo agad linalang Religi?ng cagalang-galang, nagangquin nang iyong n~galan na sa mundo,i, cabantogan.
Pitong puo at cun ilan na man~ga Religi?ng banal tinangap nila,t, quinamtan quinatha mong Reglang mahal, at ang siya,i, tantong hagdan sa sinta nang pusong tanan.
Si Cristo,i, sa pobre nagay naguica nang mahinauan: Agustinong Amang Paham icao ang hirang co,t, halal, sa Iglesia co,i, pagbinlan itangol mo,t, isangalang.
Isa pang caloob naman ni Cristo,t, nang Virgeng tunay bibig mo,i, pinaraloyan gatas nang Inang maalam, gayon din nang dugo naman ni Jes?s sa taguiliran.
Aguilang matang malinao sa man~ga Doctor cang arao, dilag mo,i, nacaca-campan sa Iglesiang cabilugan, at ang sa Dios na aral maliuanag mong sinaysay.
Tabac nang Dios cang hirang sa sangeregeng caauay, sinapol mong inihapay aral nilang bagay bagay, at sa touing paglalaban icao rin ang may tagumpay.
Dios iyong dalan~ginan sintahin naming matibay.
ANTIFONA.
Casanto-santosang Patriarca Amang san Agust?n, landas nang matotouid na asal at tagapag-unaua nang dilang cautusan, ilao nang man~ga Doctores, at salamin nang aming buhay: maguing pintacasi naua naming maalam sa harapan nang Dios.
V). Ipanalan~gin mo cami, maloualhating Amang san Agust?n.
R). At nang cami maguing dapat magcamit nang man~ga pan~gaco ni Jesucristo.
PANALA?GIN.
Pan~ginoon naming Dios: yamang pinaghimalaan mong panibago ang iyong santa Iglesia niyong nalilimpoc na papairi,t, apoy na nan~gun~guna sa caparan~gan sa man~ga taga Israel, nang pagpapahayag mo sa mabunying Amang san Agust?n nang lalong calalim-lalimang Misterio nang Carunun~gan mong ualang hanga, at nang pagpapa-alab sa puso niya nang nin~gas nang mahal mong sinta, ay magdalita ca, at ipagcaloob mo na ituro cami niya nang pagtauid naming maloualhati sa man~ga tucso at capan~ganiban nitong maralitang mundo, at tuloy aming camtan ang pan~gaco mo sa aming bayan nang dilang toua na ualang han~gan. Alang-alang cay Jesucristong Pan~ginoon namim. Siya naua.
Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page