Read Ebook: Landas na Tuntunin by Morante Jos
Font size:
Background color:
Text color:
Add to tbrJar First Page Next Page
Ebook has 445 lines and 13379 words, and 9 pages
TUL?NG KINATHA
Jos? Morante
PINAMAGATANG
LANDAS NA TUNTUNIN
Dito'y matatausan ang LIWANAG n~g nan~ga-mulat sa KADIMLAN
IKALAWANG PAGKALIMBAG
MAYNILA, 1918.
IMPRENTA, LIBRERIA AT PAPELERIA
J. MARTINEZ 34-36 P. Moraga, 108 P. Calder?n at 253 Cabildo, Intramuros TEL?FONOS 5005 y 3283
Paunaw? sa tan?ng babasa
Man?ng isang gab?ng ako'y nag liliban sa makawiwiling liwanag n~g Buan kaguiat nagunit? ang pinag-usapan dalawang dalagang nagsasalitaan.
Pinan~gahasan kong ilagd? sa papel ang lug?d n~g puso, at anong gagauin kung d? makatagal at kusang hapuin ang isip, sa gayong lawig n~g baybain.
Bakit sa panahong ito'y nararapat na ang kahit sino'y magtaglay n~g in~gat sa gugol na pagod, at may munting lins?d p?asahan mo nang may kataling pintas.
Kaya sa tul? kong m~ga itititik ang paunang samo, pantas na lilirip, huag paghanapan n~g malasang tamis ang bub?t na bun~ga n~g unsiaming isip.
Kung sa pag basa mo'y may mapansing hind? tama ang sabi ko't sa isip mo'y mal?, huag hahatulan n~g sir?'t ang hin~gi sa pagtutulin mo ay magwari-wari.
Sapagka't kung kaya gumugol n~g pag?l ang malampang isip kahit gumagapang, adhika n~g puso'y maguing munting tul?y sa tawiring hirap niyaring abang b?hay.
At kung wala ka mang mapupulon~g lug?d sa bun~ga n~g aking pinuhunang pagod, ito'y mabuti ring aliwan n~g lungkot lalo't dinadalaw n~g sam? n~g loob.
Ihahangang dito't ang boong pasiy? ay nasasa iyo pantas na babasa, sa isasariw? at ikalalanta ay naroroon din ang aking pag-asa.
Sa isang baybaing liban~gan n~g hapis na nasasakupan n~g bayang Erca??s nayong ma-alindog na nakakaratig n~g lansan~gang ilog sa alat na tubig.
Sa po?k ding ito'y may isang bakuran na katuatua't dami n~g halaman, kaya't sa bulaklak na inia-alay magtatam?ng lug?d ang mat?ng tatan?w.
Sa kalaguitnaan halamanang ito ay mayroon namang marikit na kubo handang palamigan sa buan n~g Mayo kun ang alinsan~gan ay sumisimbuy?.
Dito ri't d? iba'y may himalang dik?t na isang dalagang matalinong isip, anopa't sinoman sa mak?mamasid ay mahahalatang may lumbay sa dibdib.
Man?ng isang dapit hapong makaraan ang dalawang tugtog sa pala-oras?n, dalaga'y nanaog tangk?ng maglilibang sa magandang kubong talagang aliwan.
Kapagdating doo'y biglang napahilig kasab?y ang taghoy luhang nag babatis ?ay am?ng am? ko! ang inahihibik ?ano't inulila ang anak mong ibig?
?Ay amang ama kong nagpal? sa akin am?ng nag alaga n~g kay inang lihim d? ka na naawang iwan sa hilahil akong abang bugtong sa sintang panan?m!
?Saan magpupul?'t kan~ginong pagtan?w pipitas n~g bun~ga n~g iyong palayaw? wala na banta ko't hangang kamatayan ang pagpapal? mo'y di na madudul?ng.
At diy?n sa iyong buhay na sinapit ay walang wala nang oras na tahimik at kulang ang aking luhang nagbabatis sa tind? n~g dusa't bumubugsong s?kit.
?Ay amang ama ko kung magunamgunam madl? mong pag-irog at pagpapalayaw ay wala nang lan~git yaring abang b?hay kund? ang malipat sa payapang bayan!
Hangang naririto sa bayang malungkot at yaring b?hay ko'y hind? nal?lagot ay hind? titiguil ang luhang bubuhos sa hapd? n~g aking nasasaktang loob.
?Hahanapin ko nang matagp? ang landas na pinagdaanan n~g iyong pag lipat sa kabilang mundo't aanhing maglu?t ay wal? na akong amang lumilin~gap!
Sa mawika ito hin~ga'y nagka-buh?l kaya n~ga't napatid ang masinsing tagh?y, ay siyang pagdating nam?ng nagkata?n katotong dalaga n~g na sa lingatong.
Sa mamasda'y dagling nilugs?'t dinam? tinut?p ang noo't dibdib n~g may dusa saka tinawagan, ang wika'y ?Marcela! siyang pagka-ugpong nan~giling hinin~g?.
Mata'y idinilat at saka nagturing --salamat, Dalmacia, at ikao'y dumating ako'y nakalimot at ang mul?ng dahil sa b?hay n~g aking amang guiniguiliw.
Pinat?y sa maling hatol n~g kastila n~g dahil sa sumbong n~g masamang dila, ito nama'y dina halos nawawala sa piling n~g aking lihim na gunita.
Oo d? ko sana dapat na damdamin kun ang kamataya'y sa Dios nangaling, n~guni't sa k?nulo n~g dilang Luciper ?aling pusong anak ang d? pupugnawin?
Kaya wala na n~ga akong kahilin~gan sa Dios kung hind? bawian n~g b?hay, pagka't ang malipat sa payapang bayan ay wala nang pusong marunong mag damdam.
Kaya n~ga, Dalmacia, ako'y nag a-agap guiliw na kapatid n~g pag hin~ging tauad sapagka't d? natin talastas ang oras n~g kamatayan kong di na magluluat.
Sa mawika ito Dalmacia'y nalugmok nalagl?g ang luha't nag buntong himutok walang katuirang nagpapahintulot na sa dalamhati b?hay mo'y matapos.
Magwari-wari ka't tin~galin n~g isip ang pagkalarawan n~g santong matuid, na ang lumalabag sa dunong n~g Lan~git ay walang wala nang aantaing bihis.
Pawi ang lumbay mo at ipaubaya sa Dios na Am? ang boong bahala, walang mangyayari sa tahanang lupa na hind? sa dunong niya nagmumula.
Lisan ang pighat? at alalahanin ya?ng hul?ng b?hay nating lilipatin dito'y walang utang na maitatakuil sa Dios na hind? daratn?n n~g sin~gil.
Kung katotohanang nagbuhat sa upat b?hay n~g tatang mo ang pagka pahamak asahan mo Selang hind? magluluat darating ang ganti,t, oras na katap?t.
At doon sa iyong han~g?d na m?dal? ang b?hay mo't dahil sa laking pighati iyong pagsisiha't baka maguing sanh? n~g d? pagkakamit Bayang Luwalhati.
Sukat hangang dito, giliw na kapatid, d? naman pag-aral at pag-unang bait, iyong pagpilitang iwaks? n~g isip ang pighating laban sa Santong matu?d.
Walang nararapat kund? ang umayos sa kapangyarihan n~g lumik-hang Dios sanlibo mang ama ang siy?ng matapos ?ano't daramdamin sa Lan~git na tul?t?
Pusong malulunod sa pighati't lumbay sa lagl?g n~g payo'y kusang nanimbulan, sa oras ding yao'y ipinagwaksihan ang katalong sindak na kinakalaban.
--Salamat sa iyo Dalmacia kong kasi sa pagpapala mo't guinawang sakbibi at kulang ang aking dilang magpupuri sa dapat kilanling lubos mong kandili.
Add to tbrJar First Page Next Page