bell notificationshomepageloginedit profileclubsdmBox

Read Ebook: Landas na Tuntunin by Morante Jos

More about this book

Font size:

Background color:

Text color:

Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page

Ebook has 445 lines and 13379 words, and 9 pages

--Salamat sa iyo Dalmacia kong kasi sa pagpapala mo't guinawang sakbibi at kulang ang aking dilang magpupuri sa dapat kilanling lubos mong kandili.

Na dahil sa iyong payo't pag-aampon ligalig n~g aking puso'y huminahon kung d? mo dinatn?n, banta ko'y nagtul?y yaring abang b?hay sa pagkakabuhol.

N~guni ang hil?ng ko'y isang kasayahan na makapapawi sumimot n~g lumbay --oo n~ga Marcela't ang lahat n~g iy?n sa araw n~g bukas ay magagampan?n.

N~guni tulutan mo na kita'y lisanin si ama't si ina'y in?p na sa akin at baka ano nang kanilang isipin magmula kan~gina n~g di ko pagdating.

At bukod sa rito'y dapat ipagsabi sa sintan~g ina mo, bagay na nangyari at baka sakali na sa dakong hul? ako ang patalba't buntuh?n n~g sisi.

D? lig?w na balak, Dalmacia, kong mutia n~guni at ako rin ang sumasangsala sapagka't ang lumbay na gumagambala ay wala na't n~gayo'y lubos na payapa.

Kaya huag mo nang hatd?n n~g balisa ang dibdib n~g aking minumutiyang in? at ya?n ay isang makad?ragdag pa sa pighating dulot n~g pagkaulila.

At huag mo sanang lisanin n~g bigl? akong bagong bagong ahon sa dalita --Marcela'y bukas na tayo magpasasa n~g balabalaking magbibigay tua.

Kay ama't kay ina ang gagawing sanh? na kitang dalawa'y dito mananah? kaya paalam na't iwaks? n~g budh? ang lab?g na iyong pagdadalamhati.

Paasahan mo nang sa araw n~g bukas bilang na iisa ang tugtog n~g oras magbabalik ako't nang up?ng maglu?t sa kubo ring ito kita mag-uusap.

--Maraming salamat kapatid na irog ako sana'y huag makanlong sa limot kung may b?hay lak?s naman ay mag-utos at sa makakaya'y nahahandang lingkod.

Abo't ang kamay ko't kita'y magyakapan hagkan muna kita't ako nama'y hagk?n maguin~g tandang saksi n~g pagmamahalan at sa tip?ng oras kita'y ina-antay.

Ang pagbabalik ni Dalmacia

DALMACIA.--Narito na ako Marcela.

MARCELA.--?Komusta?

DALM.--Mabuting awa n~g Dios, walang ligamgam na anom?n, itinan?ng sa akin na kun bakit ako naluatan kahapon, ang nagu?ng sag?t ko'y nagkawili lamang kita sa pag-uusap, na kun an? ang mabuting sukat isiping paghahanap b?hay; sa sag?t kong ito'y nalagl?g ang kanilang luha at ako'y niyakap na pinakahigp?t n~g aking in?, at ang idinugtong na pan~gun~gusap naman nang aking am? ay ganito Pakingan mo at akin~g kakantah?n.

MAR.--Oo n~ga, ang damdam ko'y makaliligaya.

Oh bunsong ligaya niyaring aming dibdib bulaklak n~g tua't bun~ga n~g pag-ibig iyong halamanin sa lin?ng n~g dibdib itong tagubiling aking ihahas?k.

Unang una bunso'y tibayan ang loob n~g m~ga pag-asa sa totoong Dios at ang ikalawa'y huag kang lilimot n~g m~ga pagtup?d sa ban?l na utos.

At ang pagka-awa sa kapua tawo huag lilimutin, Dalmaciang anak ko, at ya?n ang binh?ng pag-aanihan mo sa kalilipatang huling Paraiso.

Ang lahat n~g aking m~ga tagubilin buns? sa dibdib mo ay papagtibain at ito ang gab?y na guguyabin?n hangang binibig-yan n~g b?hay na angk?n.

Ik?w aming bunso'y magpapakatimbang sa lakad n~g mundo't panahong niniral kung sakasakali't makapag tagumpay payapa ka rito't hangang hul?ng b?hay.

Sa mundo'y pag di ka natutong nan~gilag at d? tinalasan ang mata n~g in~gat walang malay-malay nayapos ka't sukat niyaong pan~ganyayang lihim na pahamak.

Ang parang kapatid na pagsusuyuan buns? ko, Dalmacia'y pailagilagan, sapagka't ang lihim niyang kalooban ay di mo talastas ang patutun~guhan.

At huag ka namang magpapakaniig sa may asawa na n~g pakikipanig sapagka't kung minsa'y pinapagdurun~gis n~g palabintan~gin ang puring malinis.

Sukat hangang dito, Dalmacia kong guiliw tan?ng mahalagang aking tagubilin, sapagka't ang takda nitong b?hay natin ay di natatanto oras n~g pagdating.

Ya?ng ating bukid kung ako'y manaw na ihanap n~g tawong marunong magsaka na may sadyang bait na nakikilala nang di ka dalawing n~g pagkakasala.

At ang magsasaka, Dalmacia'y gano?n marami ang m~ga ... liban sa d? gayon; ang hahanapin mo'y ang tawong marunong magmahal sa puri't may sariling hatol.

At kung may panira namang ihahatid na dinadaya ka sa ani n~g bukid ay magpakunu? n~g malaking galit nang may kamtang tu? ang may dalang inguit.

Sapagka't an~g han~g?d ay iyong bawiin sa mabuti't siy? ang papagsakahin, ito'y asahan mo't kung ga sa patalim ay lalong matalas sa sam?ng gagawin.

Hangang dito buns?'t kung baga sumapit oras n~g b?hay ko't sa mundo'y pag-al?s ay di kailan~gang iyong ipa-dapit lalo't kapurih?n ang nasa n~g dibdib.

Huag na d? lamang maba?n sa hukay ang kaawa-awang lupa kong katawan: sa mawika ito nalagl?g na nam?n ang luha't gayari ang hul?ng tinuran.

Katiwala kami n~g iyong paglipat doon kay Marcela, pagka't sa hinagap kun bagay sa tibay hind? naman sukat magagaping dagl? n~g may lilong han~gad.

Han~gang dito Sela't siyang pagkatiguil niyong sa kay amang m~ga tagubilin anaki sumilang ang m~ga bituin at naliwanagan isip kong madilim.

DALMACIA.--?An? baga Marcela ang las?p mo sa m~ga tagubilin n~g aking am??

MARCELA.--Makaliligayang m~ga pan~gun~gusap na dapat halamanin sa lin?ng n~g malinis na pagtup?d at papamun~gahin n~g bun~gang dapat iyalay n~g sinomang tawo sa ban?l na hiling n~g Santong matuid: mabuting am? at nau-ukol pakamahalin n~g isang irog na anak; datapua't makalalansag sa dibdib nang may pag sintang anak sa giliw na ama.

DALM.--Ah oo n~ga, tunay ang iyong turing, at ibinabalita ko sa iyo n~gayon, na no?ng inilalaglag n~g aking am? sa pangdin~gig ko ang butil n~g magandang aral, ay tunay na sa balang sabi, ay nakikibagay ang pat?k n~g matam?s kong luha na ito'y ibinabalong niyaong gunigun?, na paano kaya kung dumating ang panahon n~g aking pagkaulila. ?Gaano kaya ang dami n~g kakabakahin kong digm? n~g hinagpis? Sa banta ko'y di matatantusan at mapipilitang ilugm?k sa ipagdaramdam ang magkaroon man ako n~g matigas na puso at alipala'y di na mangyayaring sapitin ko pa ang ako'y maiwan at ligaya ko na sa oras na yaon ang ako'y masama sa lupang mapalad na kalilibin~gan n~g irog kong am?. Hangang dito Marcela ang nangyari sa oras na ako'y pinan~gan~garalan; nguni't pinapansin ko sa iyo n~gayon, na ?kun bakit magmula kan~ginang ako'y nagsasalita, ay nakikisabay nam?n ang pagdaloy n~g iyong m~ga luha sa mata?

MAR.--?Ay Dalmacia! ?Aling puso n~g may pagsintang anak ang di bubugsuan n~g paghihinagpis at manariwang mul? ang nalalantang puno n~g pighati? ?Ay amang ama ko! ?Saan ka naroon?

DALM.--Marcela, maghusay ka n~ga n~g loob at maala-ala ko pala'y kahapon ay humihiling ka sa akin n~g isang kasayahan, n~gayon ay wala naman maiya-alay sa iyo kundi isang maikling kundiman.

MAR.--Tunay n~ga ba? Salamat Dalmacia kun gayon ang kinasasabik?n kong kanta mong kundiman at upanding makaputol n~g muling nag usbong kong kalumbayan, at kun magka gayo'y asahan mo nam?ng may kapalit akong k?kantah?n sa iyo.

DALM.--Gano?n ba?

MAR.--Oo.

DALM.--Kun gayo'y pakingan mong magal?ng.

Oh! m~ga bulaklak n~g nagtayong kahoy at ikaw amihang malamig na simoy magbalita kayo n~g aking pagtaghoy sa kinalalag-yan n~g ihihinahon.

Kayong sarisaring ibong lumilipad at ang palay palay na han~ging habagat ibalita ninyo ang daing n~g hirap sa kinalag-yan n~g ipapanatag.

At d? maglulubay ako n~g pagluhog, kahima't dalita ang awang ihulog ay di mag sasawa ako n~g pagpulot at ituturing ding ligaya n~g loob.

Halihalimbawang maguing takdang guhit n~g kamatayan ko ang sa pusong nais ay ituturing ding ligaya n~g dibdib lalo't mahalatang nagdadalang hapis.

DALM.--Tap?s na Marcela ?An? bag? ang din~gig mo?

MAR.--Marikit na pagkayari Dalmacia ang kundiman mong iy?n ?Sino bag? ang may gawa n~g kath??

DALM.--Hind? ko masabi sa iyo, sapagka't iy?n ay narinig ko lamang sa isang taga....

MAR.--Banta ko'y isang pusong nakalutang sa maalong dagat n~g karalitaan, na ang inahihibik ay mapasampa sa pampang n~g katiwasayan.

Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page

 

Back to top