bell notificationshomepageloginedit profileclubsdmBox

Read Ebook: Maring (Dangal at Lakas): Ulirang Buhay Tagalog by Tolentino Aurelio

More about this book

Font size:

Background color:

Text color:

Add to tbrJar First Page Next Page

Ebook has 677 lines and 16586 words, and 14 pages

MARING

HALAGA 40 CENT.

MARING

MARING

ULIRANG BUHAY TAGALOG

SINULAT NI AURELIO TOLENTINO

IKATLONG PAGKALIMBAG

Kung ibig ninyong bumili ng iba't ibang yaring damit o nobelang Maring at iba pa ay pumarito kayo sa Mercado Yanco 237 Int. Tabora, Maynila.

TAGUBILIN:

Ang aklat na ito ay aring tunay ng tatlong magkakapatid na Tolentino at wala sino pa mang makapagpapalimbag nito kung wala silang lubos na kapahintulutan.

Ang Tagapangasiwa, N. HILARIO.

PATUNGKOL

Sa iny?, mga kapatid kong bulaklak ng Pilipinas, sinag ng buhay, sibol ng lambing at pagibig, hiwaga ng saganang bait at banal na pagtitiis, mga babaying dangal ng kalinisan sa sangkatauhan, sa inyo ko ipinatutungkol it?ng walang kabuluhang aklat. Maliit na lubha, palibhasa'y talagang maliit yaring pag-iisip. Gayon pa man, kung inyong nanamnamin ang pinagdaanang buhay ni Maring si Maring na diwa nitong kasaysayan, ay inaasahan kong kayo'y may kaunting kabutihang pakikinabangan. Sa munting aklat na handog ko, ay inyong makikitang maliwanag, na ang isang babaying marangal at may malakas na kalooban, ay kahalintulad ng araw: sa kabila ng mga makakapal na dilim at maraming bagyo ng ligalig at kahirapan, ay sumisikat na maluningning, ligid ng puri, ligid ng biyaya, ligid ng lualhating di mahulilip.

ANG KUMATHA.

Ang taong walang ibang binubusog kungdi tanging ang sikmura lamang, ay hindi nabubuhay: tumutubo lamang parang dam?. Upang magpakatao ay kailangang busugin din ang puso at ang utak, sa pamamagitan ng pagb?sa sa mga mabubuting aklat.

DANGAL AT LAKAS ? MARING

Napitas Ang Bulaklak

Noong taong 190... ay nanirahan sa nayon ng B., sakop ng Maynila ang mag-asawang Pedro at Julia.

Mar?lita ang kanil?ng pamumuhay palibhasa'y walang ib?ng paghahanap kungdi ang mamalakaya sa mga ilog at sa look ng Maynila.

Sila ay may bugtong na anak, uliran ng bait, si Maria na tinagurian ng Maring.

Kung kaaya-aya man ang gand? ng kalooban ni Maring, ay lalo pa nam?n kaaya-aya ang gand? ng kaniyang anyo, anyo ng bagong bumubukang kampuput, at lalong-lalo pa yaong mukha niyang anaki'y mukhang angel, mukhang pinagkalooban ng langit ng lubhang mapanghalinang dikit na bihirang ipagkaloob sa taong kinapal.

Ang kaniyang mapupungay na mata ay anaki'y salamin ng pag-ibig, anaki'y sibol ng lambing, anaki'y larawan ng bait.

At dahil nga sa gay?n, ay pinag-ingatan yatang talag? ng palad, kaya't pinalamutihan sa dakong no? ng masinsin, nguni't makitid na kilay na hubog tari, at binakuran ng mayabong at malantik na pilikmat?, akala marahil ng Maykapal ay upang huwag manganib sa puwing man lamang yaong mga mat?ng kaniyang pinagpalang talaga.

Ang kaniyang mga ngiti ay ngiting langit: naghahandog sa kaharap ng lugod na di mahulilip at walang hanggang tamis ng maamong kalooban, lalo't talag?ng maririkit yaong kaniyang mga maliliit at masinsing ngiping kinaiinggitan ng tunay na garing, at sinalitan ng isang ngiping gintong ipinasadya ng kaniyang am?, upang malubos mandin ang ganda noong napakatamis na bibig.

Kung lugay ang kaniyang mayabong na buhok, ay uma-abot hangang sakong, malinis, maitim at makinang na anaki'y sarampuli ng mga Lakhang-dalaga sa unang panahon.

Si Maring ay kayumangging maligat na namumula-mul?, at ang kaniyang pangangataw?n ay katat?gan sa taas at sa bilog. Ang kaniyang mga kilos ay mabining pawa, mahinhin at kalugod-lugod sa lahat ng bagay.

May is?ng binata, bagong-taong basal na nagngangalang Gonsalo. Ito ay maralita ring gaya nil? Maring, palibhasa'y gaya rin nilang walang ibang paghahanap kungdi pamamalakaya sa mga ilog at dagat.

Si Gonsalo ay may mga tatlong ta?n ng nananhik ng ligaw kay Maring, nguni't hindi pinansin nit? ang kaniyang matapat na pagsuyo, at kadalasang isagot sa kaniya ay ang kaniyang nais na makasuyo muna sa kaniyang mga magulang.

Gayon pa man ay hindi tumatamlay ang pag-ibig ni Gonsalo, at sa tuwing s?bado, gaya rin ng dati, ay siya'y nananhik ng ligaw.

Is?ng gabi ay nanhik din ng ligaw kay Maring si D. Eduardo Sanchez, bagong-taong may mga dalawang puo't-limang ta?ng gulang, makisig at bantog sa bait, sa dunong at sa yaman.

Mga ilang buan pa lamang ang kaniyang panunuyo kay Maring ay sila'y nagkaibigan.

Nahahalata ni Gonsalo ang gayon, kaya siya ay naglubay ng pagdalaw kay Maring. Nguni't palibhasa'y taimtim ang kaniyang pagsinta, ay along nauuhaw ang kaniyang puso, ngayon hindi nakikita ang hantungan ng kaniyang mga nais.

Is?ng s?bado si Gonsalo ay muli na namang nanhik ng ligaw kay Maring.

--Maring,--ang kaniyang samong anaki'y hibik.

--May mga tatlong ta?n nang ikaw ay aking dinadalanginan, saka ngayon...

Hindi naituloy ang kaniyang malumbay na samo, at pagdaka'y biglang namalibis yaong nabubungad na luhang kanina pa gumigilid sa kaniyang mga pilik-mata.

Nai-inis ang kaniyang puso.

Bag? ma't siya'y hindi sinisinta ni Maring, ay nahabag din ang kaniyang kalooban sa kaawaawang binata.

--Ipagpaumanhin mo na sana sa akin ang hindi ko paglingap sa iyong pag-ibig,--ang tugon ni Maring.--Ak?'y hindi na maaring suminta sa iyo.

--?Bakit?,--ang tanong ni Gonsalo.

--Sapagka't ako'y may sinisinta na,--ang pakli ni Maring.

--Oo nga,--ang sagot ni Gonsalo.--Si D. Eduardo Sanchez. Siya'y mayaman at marunong, nguni't ako'y dukha at mangmang.

--Hindi nam?n sa gayon,--ang amo ni Maring.--Pantay-pantay sa aking balak ang lahat ng tao. Nguni't ?ano kaya ang gagawin, kung talagang hindi isinagi ng palad sa puso ko ang sa iyo'y umibig? Kita'y magmahalan na lamang na parang tunay na mag-kapatid.

--Hindi mangyayari,--ani Gonsalo.

--?Bakit?,--ang tanong ni Maring.

--Ewan,--ang tug?n ni Gonsalo,--nguni't ikamamatay ko yata ang aking pagkabigo sa iyo.

Maluwat na di nakaimik ang dalawa.

Si Maring ay nakayuko at kaniyang ginuguniguni si Eduardong minumutya ng kaniyang puso; si Gonsalo ay nakayuku rin, at ginuguniguni nam?n niya ang kaniyang nabigong pagsuyo kay Maring.

Itinalaghay ni Gonsalo ang kaniyang ulo at pinagmasdan ang kaniyang kaharap.

--Maring,--aniya.--Ito'y kahuli-hulihan ko nang pagpanhik dito. Nguni't isinusumpa ko, na kung hindi rin lamang ikaw ang magiging poon ng aking abang kapalaran, ay hindi na ak? mag-aasawa kailang pa man, at paka-asahan mo, na bag? ma't ako'y malayo sa iyo, ay ikaw at ikaw din ang dadalanginan ko habang buhay.

Si Gonsalo ay nagpaalam, at samantalang siya'y nananaog doon sa hagdanang tatlong ta?ng pinapanhik niya tuwing sabado, ay matuling namamalisbis sa kaniyang pisngi ang luha ng kaniyang nabigong pag-ibig.

Add to tbrJar First Page Next Page

 

Back to top