Read Ebook: Maring (Dangal at Lakas): Ulirang Buhay Tagalog by Tolentino Aurelio
Font size:
Background color:
Text color:
Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page
Ebook has 677 lines and 16586 words, and 14 pages
Si Gonsalo ay nagpaalam, at samantalang siya'y nananaog doon sa hagdanang tatlong ta?ng pinapanhik niya tuwing sabado, ay matuling namamalisbis sa kaniyang pisngi ang luha ng kaniyang nabigong pag-ibig.
--Kaawa-awa nam?n--ang buntong hining? ni Maring.
Sapul noon ay hindi na nga nanhik ng ligaw si Gonsalo kay Maring; nguni't gabi-gabi ay nagdadaan siya sa tapat ng kanil?ng bahay, kungdi tatayo-tayo sa malayo, at kapag natanawan niya si Maring ay saka pa lamang uuwi ng bahay. Siya'y parang nauulol mand?n.
Is?ng gab? ay dumalaw si D. Eduardo kay Maring at pinagkasunduan nil?ng ipagtapat sa mga magulang ang kanil?ng pagsisintahan, at tuloy isamo ang kanilang kapahintulutan sa kanilang pag-iisang puso sa harap?n ng dambana ng Maykapal.
Noon ding gabing ya?n ay pinakiharapan ng mag-asawang matanda si D. Eduardo.
--Ipagpapaumanhin po nila,--ang simula nito,--ang aking kapangahasan sa pag-harap sa inyo at pagtatapat ng aking nais.
--?An? ya?n?,--ang tanong ng matandang Pedro.
--Marahil po,--ang sagot ni Eduardo,--huwag ko mang sabihin ay batid na ninyo ang aking pagsuyo kay Maring, na kung il?n ng buwan ngayong aming inaalagaan at binabakuran ng malinis na pagmamahalan; at dahil sa gay?n, ay hindi namin ikinahihiyang ipakiharap, maging sa Maykapal, maging sa iny? po, at maging sa lahat ng tao.
"Ak? po ay ulila sa ama't sa ina. Kapatid ko ma't kamaganak ay wala ng natitira is? man kaya ako'y sabik na magkaroon ng magulang na sukat suyuan habang buhay. Kung ito pong kaliitan ay iny?ng maging dapatin, at tangaping maging parang tunay na anak na kaisang-puso ni Maring, ay pakaasahan po niny?ng wala ng mapalad na lalaking gaya ko sa sang sinukuban".
Tinawag ni matandang Pedro si Maring.
--Nagtapat si D. Eduardo,--aniya,--at sinabing kayo raw ay nagkakasintahan. ?Tunay nga baga?
Si Maring ay hindi nakasagot: siya'y dinaig ng alang-alang at kahihiyang sa matand?.
--Sumagot ka,--ang ulit ng am?--?Tunay nga bang kayo'y nagkakasintahan?
Linakasan ni Maring ang kaniyang kalooban.
--Tunay nga po,--ang kaniyang nahihiyang sagot.
--Isinamo niya,--ang dugtong ng matanda,--ang aming kapahintulutan sa iny?ng pag-iisang puso. ?An? ang balak mo sa gayong?
--Kay? po ang masusunod,--ang tugon ni Maring.
--Kung kami lamang ang masusunod,--ang dugtong ng matanda,--ay ibig naming ikaw ay makitang dalaga habang buhay sa aming piling, upang huwag kang mawalay ng kahit sandali sa aming mga mat?. Gay?n pa man ay nababatid naming ang pakikipag-is?ng puso ay katutubong talaga ng tao, gaya ng aming pag-iisang puso ng iyong in?, at dahil dito, ay hindi maaring ipagkait sa iny? ang aming kapahintulutan.
?Sabihin pa kaya ang tuwa ng nagkakasintahang Maring at Eduardo? Para na nilang nakikitang nabubuks?n ang pintuan ng langit sa panahong sasapitin.
Naganap ang tatlong sunod-sunod na tawag sa simbahan.
Samangtalang inihahanda ang lahat ng bagay na kailangan sa pagkakasal ni Maring kay D. Eduardo ay parang linalason naman ang puso ni Gonsalo.
Dalawang araw bago sumapit ang takdang araw sa kasal, ay dinalh?n ni D. Eduardo si Maring ng mga hiyas na pawang tinampukan ng mga bat?ng brilyante at isang kabihisang damit na sadyang ipinasukat kay Maring.
Kinagabihan, samangtalang sinisiyasat ang lahat na gagamitin sa malaking piging na ihahanda, si Maring ay biglang nawala. Kinayag ni Gonsalo ang dalawa niyang kaibigang matapat, inabangan nil? si Maring at pagpanaog nit? ay kanilang biglang inagaw at dinala sa bundok ng S. Mateo sa lalawigang Rizal.
?Sabihin pa kaya ang tangis ng kaawa-awang Maring? Noong nakikita na niyang nagliliwayway ang araw ng kaniyang buhay, ay biglang lumubog at ang humalili ay dilim na tila wari walang katapus?n.
Sa loob ng unang buwang pakikisama ni Maring kay Gonsalo sa bundok, ay wala siyang ibang binabalak kungdi ang paghihiganti. Pinakataimtim niya sa kalooban ang nasang patayin ang lalaking kumaladkad sa kaniya sa burak ng kapangayayaan.
Isang gab?, si Gonsalo ay naidlip na nakahilig sa kandungan ni Maring. Nasulyapan nit? ang is?ng sundang na malapit sa kaniya, biglang dinampot at anyong tatarakan sa dibdib ang natutulog, nguni't nangatal ang kaniyang bisig, gaya ng pangangatal ng kaniyang puso at kaluluwa.
--?Dius ko!,--ang kaniyang buntong hininga.--Masama nga sana si Gonsalo, nguni't sa lagay na it? ay siya'y akin ng asawa.
Siya'y nagmuni-muni.
--Hindi mangyayari,--aniyang sarili.--Ang lalaking ito ay hindi ko sinint? kailan pa man; ako'y kaniyang inagaw at pinaslang... Ang taksil ay dapat ding pagtaksil?n.
Muling itinaas ang kamay at muling ?kmang tarakan ng sundang ang dibdib ni Gonsalo. Nguni't gaya rin ng una, nanginig ang kaniyang kamay at hindi naituloy.
Si Maring ay may malakas na loob sa paggawa ng magaling, nguni't napakahina kung sa gawang kapaslangan.
Muling ibinaba ang kaniyang kamay.
--?Ano kaya ang aking gagawin?--ang tanong niya sa sarili.--Kung ako man ay umuwi sa amin ngayon, ?ay may magsasabi kayang hindi pa nalugso yaong wagas na puring katutubo ng aking pagkatao? Tunay nga at nalalaman kong ako'y hindi sumisinta kay Gonsalo, nguni't nalalaman ko rin namang siya'y sumisinta ng taimtim sa akin. ?Kaawa-awa naman!
Naglalabanang mahigpit sa kaniyang balak ang lunos kay Gonsalo at ang nais na maipaghiganti ang kaniyang puring nagib?.
--Ang puri ng tao,--aniya sa huli,--ay katimbang ng buhay. At yayamang inilugso niya ang aking puri, ay kailangang ilugso ko rin nam?n ang kaniyang buhay.
Muling itinaas ang kaniyang kamay, hawak ang sundang, pinag-ubos ang lakas ng kaniyang loob at anyo na namang tarakan si Gonsalo sa dibdib. Nguni't katakatak?. Hindi sundang ang lumagpak kay Gonsalo, kungdi matuling luhang namalisbis sa mga mat? ni Maring at pumatak sa kaliwang pisngi ng nakakatulog.
Si Gonsalo ay nagising. Nakita niya ang sundang na naka-akma sa tapat ng kaniyang dibdib, nguni't hindi tuminag kaunti man, at bagkos pang ngumiti at nagsalita ng ganit?:
--Maring, ituloy mo ang sundang. Ikaw ay aking pinagtaksilan, kaya kailangang ikaw ay maghiganti. Ituloy mo ang sundang.
--Kailangan nga,--ang sagot ni Maring,--nguni't ewan kung bakit, makaitlo ko ng iakma ang sundang at hindi ko naituloy: nanginginig ang aking kam?y.
--Nanginginig ang iyong kamay sapagka't kamay ng anghel;--ang pakli ni Gonsalo;--datapuwa't ang kamay ko ay kamay ng buhong: makita mo kung hindi magtuloy.
Siya'y maliksing naupo, inagaw ang sundang kay Maring, saka anyong isasaksak sa kaniyang sariling dibdib.
--???Gonsalo!!!,--ani Maring, saka hinagkan.
Yaon ay siyang kauna-unahang halik ni Maring kay Gonsalo.
--Maring,--ani Gonsalo,--inagaw kitang hindi ko sinadya. Ako'y binulag na lubos ng masidhing pagsinta ko sa iyo. Nguni't ngayong ako'y pagsaulan ng dating kalooban at pag-iisip, ay pinagsisisihan kong mataimtim ang kapaslangang ginawa ko sa iyo. Kaya nga, at dahil sa ako'y sumumpang mahigpit sa sarili, magbuhat pa man noong unang araw na ikaw ay aking sintahin, na papatayin ko ang sino mang sa iyo'y tumaksil: at yayamang dili iba't kungdi ako na rin nga ang sa iyo'y pumaslang, kaya kailangang patayin ko ang aking sariling kataw?n, upang sa gay?n ay matupad ang aking mahigpit na sumpa.
Muling iniakmang isaksak sa kaniy?ng dibdib ang sundang, nguni't muli rin siy?ng niyakap ni Maring at tumangis.
--?Ngayon pa bagang nailugso mo na ang aking puri, saka mo ako lilisanin?--ang kaniy?ng hibik.
Si Gonsalo ay tumangis din.
Noon gabing yaon ay hindi sil? nakatulog. Magdamag na humihingi ng kapatawaran si Gonsalo sa kapaslangang kaniy?ng ginawa.
Palibhasa'y si Maring ay may banal na kalooban kaya pinatawad ang sa kaniya'y nagtaksil.
Sa kaluwatan ng kanilang pagsasama ay unti-unting nagkaroon ng pagmamahal si Maring kay Gonsalo.
Lumipas ang limang taon. Si Maring ay nagkaroon ng dalawang anak.
Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page